Isang lalaki na umano’y lasing ang nasangkot sa aksidente sa Barangay Polo, San Carlos City, bandang alas-2:23 ng madaling-araw ngayong Miyerkules.
Ayon sa ulat, residente ng Barangay Isla ang nasabing lalaki. habang nagmamaneho, nabangga umano ito sa barikada sa nasabing lugar.
Agad na ipinaalam sa San Carlos City Police Station ang pangyayari at mabilis namang rumesponde ang mga pulis. Dinala ang biktima sa Region 1 Medical Center para sa agarang lunas.
Batay sa paunang impormasyon, nagtamo ng fracture sa binti ang lalaki, na kasalukuyan pang kinukumpirma ng mga doktor. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








