LALAKI, PATAY SA AKSIDENTE SA SAN MATEO, ISABELA

Nasawi ang isang driver ng motorsiklo habang sugatan naman ang angkas nito matapos umano nilang banggain ang sinusundang SUV sa Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela kagabi, Disyembre 21, 2022.

Kinilala ang nasawi na si Jan Castillo, 23-taong gulang, residente ng Purok 1, Rang-ay, Cabatuan, Isabela.

Samantala, ang driver naman ng sinalpok nitong SUV ay si Armando Cabillon, 62 taong gulang, empleyado ng Gawad Kalinga at residente ng Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Sa lakas ng pagbangga, dead on the spot si Castillo habang nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang back rider nitong menor-de-edad.

Napag-alamang nasa impluwensiya umano ng nakakalasing na inumin ang mga biktima ng mangyari ang insidente.

Facebook Comments