Lalaki, patay sa pamamaril sa Navotas City

178

Navotas City – Patay ang 19 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek sa Navotas City kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Irish Nelgloryoso na agad namatay sa pinangyarihan ng krimen.


Ayon kay Val Santos, ala-una pasado ng madaling araw ng masakasihan niya ang pamamaril sa Barangay North Bay Blvd. North.

Nakita ng saksi na dumating ang limang kalakihan sa lugar sakay ng 2 motor siklo.

Sapilitan pinababa ang biktima at agad pinagbabaril.

Matapos makarinig ng 9 na putok ng baril ang saksi, ay agad umalis ang 4 na suspek gamit ang dalang motorsiklo.




Samantala, ayon sa tatay ng biktima na si Nelson Nelgloryoso, alas dies ng gabi ng huling nakasama ang anak, kung saan nagpipilit itong umalis ng bahay.

Nagpapatuloy pa ang imbistasyon sa krimen habang itinanggi ng ama na sangkot sa iligal ma droga ang kanyang anak.
DZXL558

Facebook Comments