LALAKI, SUGATAN SA PAMAMARIL NG HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK SA CANDON CITY, ILOCOS SUR

Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang 35-anyos na lalaki matapos mabaril sa Brgy. Paypayad, Candon City, Ilocos Sur pasado ala-una kaninang madaling-araw.
Base sa imbestigasyon ng Candon City Police Station, papunta sana ang biktima upang isara ang gate ng kanilang bahay nang makarinig ito ng putok ng baril.
Agad itong tumakbo papasok kasama ang kanyang live-in partner ngunit pagsapit sa loob ay nakaramdam na siya ng matinding pananakit ng katawan, dahilan upang matuklasang tinamaan siya ng bala.
Mabilis na dinala ang biktima sa Candon City Hospital kung saan ito kasalukuyang inoobserbahan at ginagamot.
Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa insidente.
Facebook Comments