Lalaki tiklo sa buy bust operation sa Bagua tres

*Tiklo ang isang lalaki matapos siyang mahuli sa ikinasang drug buy bust operation ng PP1, City drug enforcement unit at PDEA-ARMM kamakalawa ng hapon.*
*Kinilala ang suspect nasi Allan Guiapar Darod residente ng mabini street cot.city, nakuha sa kanyang posisyon ang ilang sachet ng shabu.*
*Ayon sa report, matagal ng nasa talaan ng otoridad ang gawain ng suspect na sangkot sa kalakaran ng droga kayat ikinasa ang drug operation na nagpositive sa pagkatimbog nito. Siyay nakapiit na, at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165…Sa pagbalik muli ng PNP sa war on drugs ay naramdaman na agad ang pagsikip muli ng mga selda.*

Facebook Comments