LALAKI, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA AGUILAR, PANGASINAN

Arestado ang isang 52-anyos na lalaki matapos masamsam ang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Aguilar Municipal Police Station (MPS) kahapon ng gabi.

Kinilala ang suspek bilang isang driver at residente ng Aguilar. Ayon sa mga pulis, isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 1, matapos makumpirma ang umano’y ilegal na aktibidad ng suspek.

Ayon sa tala ng pulisya, nakumpiska mula sa suspek ang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na humigit-kumulang Php 3,400 na nakalagay sa dalawang (2) heat-sealed transparent plastic sachet. Nakuha rin ang Php 500 buy-bust money mula sa suspek.

Isinagawa sa lugar ang inventory at pagmamarka ng ebidensya, na dinaluhan ng mga mandatory witnesses at ng mismong suspek, alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Aguilar MPS ang suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments