Saturday, February 7, 2026

Lalaking humaharap sa anim na bilang ng kasong qualified rape, nakorner sa Taguig

Naaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang isang high-profile na pugante na humaharap sa anim na bilang ng kasong qualified rape sa Upper Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Usting,” 50 taong gulang, na nakorner ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig City.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Byron Gabbuat San Pedro, Presiding Judge ng Family Trial Court Branch 15, Taguig City, ay naaresto ang suspek dahil sa kasong qualified rape of a minor at sexual assault.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kasong qualified rape of a minor, habang may inirekomendang piyansa namang ₱180,000 para sa kasong sexual assault.

Nakaditine na ngayon ang akusado sa Taguig City Police Station Custodial Facility habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant of arrest sa court of origin.

Facebook Comments