Balete, Aklan- Personal na ipinamahagi ni Christopher Francisco ang mga idinonate nitong mga crayons sa mga mag aaral ng Calizo Elementary School sa bayan ng Balete. Matapos ang flag raising ceremony, 80 na mga piling mag aaral ang tumanggap ng mga pangkulay. Matandaan na nag viral si Chris online dahil sa pagdonate nito ng mga crayons mula sa naipon nito sa pamamagitan ng paghingi ng barya sa kanilang lugar sa loob ng dalawa`t kalahating taon. Umabot sa P6, 000 ang kabuuang halaga ng mga ito. Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan dahil sa pag mamalasakit nito sa mga bata. Si Chris ay 32 anyos na may autism spectrum disorder o ASD at nakitaan din ng kakaibang talino dahil sa mataas umano nitong IQ. Maliban dito nagbigay rin ang lalaki ng 80 boxes rin crayons sa kalapit na paaralan ng Calizo National High School. Dahil sa kanyang kabutihan, pinasalamatan si Chris ni Mrs Juliet Justo Head Teacher III at ng buong Faculty ng pagkilala o Certificate of Appreciation at Magic Mug kaninang umaga matapos ang distribution. Bagamat simple lamang ang naging aktibidad kaninang umaga, naging makabuluhan ito at madamdamin sapagkat nagpakita si Chris ng pagmamalasakit sa mga mag aaral.
Facebook Comments