Lalaking may dalang patalim, arestado sa Maynila

222

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaking pagala-gala habang may hawak na patalim sa brgy. 198, tondo, Maynila.

Isinumbong ng mga residente ang suspek na si Jomel Narvaez dahil sa takot.

Bukod kasi sa may hawak na kitchen knife, paulit-ulit ding sinasabi ng suspek na may papatayin siya.


Depensa ni Narvaez, pinagbantaan siya ng kaniyang amo na papatayin siya dahil sa kanilang personal na away kaya’t nagdala na siya ng kutsilyo para madepensahan aniy ang sarili.

Batay naman sa record ng pulisya, dati nang nakulong ang suspek dahil sa iba’t ibang kaso kung saan kabilang na ang pagkakasangkot niya sa ilegal na droga.

*



Facebook Comments