Japanese fugitive na miyembro ng criminal group, naaresto ng Bureau of Immigration

137

Manila, Philippines – Naaresto ng Bureau of Immigration ang isang Japanese fugitive na miyembro ng isang criminal group at may kasong multiple fraud cases sa Parañaque City.

Patakas na noon ang suspek na si Yuya Suzuki, 37 anyos nang maharang ng immigration officers.

Ayon kay B-I Spokesperson Maria Bucasas-Mangrobang, inaresto ang suspek dahil na rin sa hiling ng gobyerno ng Japan at ng Tokyo Metropolitan Police Department.


Kasabay nito, tiniyak ni Mangrobang na agad nilang ipapadeport ang suspek pabalik ng Japan.

Nabatid na November 2013 pa nang pumasok sa bansa ang suspek.

Facebook Comments