Kinilala ang nawawalang indibidwal na si Daniel Cordero Duay, 30 anyos, residente ng Sitio Bhuto, Tibag, Tarlac City.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 6:40 ng gabi nang madiskubre ng may-ari ng Villa Balinmanok Recudo 1 Resort sa Barangay Osmeña, Dasol, na hindi pa nagla-log out sa guest list si Duay matapos pumasok sa resort bandang 11:42 ng umaga sakay ng isang pickup.
Ikinuwento ng resort owner na si Rodelio Cabarlo Saldivan, 57 anyos, na nang mag-inspeksyon siya sa mga day-tour guest, napansin niyang wala si Duay sa paligid at hindi rin ito lumabas sa resort base sa kanilang record.
Agad niyang ipinagbigay-alam ito sa mga opisyal ng barangay at sa pulisya upang magsagawa ng search and rescue operation sa paligid ng resort at karatig na dalampasigan.
Hanggang sa ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang naturang lalaki.
Ang nawawala ay may taas na 5’5”, katamtamang pangangatawan, moreno, at huling nakitang suot ang olive-green na t-shirt at short pants.
Patuloy ang imbestigasyon ng Dasol Police upang matukoy kung aksidenteng nahulog sa dagat ang biktima o kung may ibang nangyaring insidente.
Nanawagan ang kapulisan sa sinumang may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Daniel Duay na makipag-ugnayan sa Dasol Police Station sa numerong 0998-598-5100. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










