Lebron James, mananatili pa rin sa Cleveland ayon sa mga eksperto ng liga

127

Sports – Kahit sa susunod na taon pa magiging unrestricted agent si LeBron James ngayong pa lang ay usap-usapan na sa NBA kung saan pupunta ang four-time league MVP at three-time NBA champion.

Dahil dito halos lahat ng koponan sa liga ay nais makuha ang serbisyo ng tinaguriang “King James.”

Ayon sa mga eksperto walong koponan ang puwedeng makakuha sa soon-to-free agent na si James.

At kahit hindi maganda ang relasyon ni James sa may-ari ng Cavaliers na si Dan Gilbert, ang Cleveland pa rin ang pinakamagandang koponan para kay Lebron.

Kailangan lamang umanong umabot sa finals ang Cavs para makumbinsi si James para manatili sa koponan.

Bukod sa Cleveland, malaki rin ang posibilidad na lumipat sa Houston Rockets, Golden State Warriors, Oklahoma City Thunder, San Antonip Spurs, Boston Celtics, Milwaukee Bucks at Toronto Raptors.

Facebook Comments