LEVEL UP | Nietes, target na makalaban ang mga kilalang boksingero sa Super Flyweight Division

Manila, Philippines – Target ngayon ng Pinoy boxer na si Donnie “Ahas” nietes na makalaban ang mga kilalang boksingero sa Super Flyweight Division.

Unang inanunsiyo ni Nietes na bibitawan na niya ang hawak nitong IBF Flyweight World Title para umakyat ng timbang.

Aminado naman si Nietes na mahirap ang pag-akyat ng weight division at malaking hamon din ito para sa kaniya.


Nais din Nietes na makaharap agad sa unang pagsabak ang mga bigating pangalan sa Super Flyweight Division para masulit naman daw ang kanyang paghahanda.

Facebook Comments