Kalibo, Aklan – Natapos na ng LGU-Kalibo at DSWD ang pagbalot ng 12,000 food packs para sa 16 barangays ng Kalibo.
Ito ang inihayag ni Ms. Loly Espino, MSDWO ng Kalibo sa panayam ng RMN DYKR Kalibo.
Ayon sa kanya na sa 16 barangays ay 4 na lang na barangays ang hindi pa nakakakuha dahil sa kinukumpleto pa nila ang kanilang listahan.
Galing anya sa kanilang Quick Reponse Fund (Calamity Fund) ang budget na pinamili ng mga food packs.
Sinabi rin nya na ang 12,000 food packs ay hindi kayang mabigyan lahat kaya ang kanilang paraan ay inuuna muna ang mga mahihirap talaga para bigyan.
Sa ngayon meron pa silang hinihintay na food assistance galing sa gobyerno probinsyal at yon anya ang ibibigay para sa mga hindi nabigyan sa una.
Sinabi pa ni Espino na ingkaso tumagal tagal pa ang nasabing sitwasyon ay meron na ring contingency plan ang munisipyo na habang merong pundo na pwedeng gamitin ay kanila itong ipapalabas para maka provide ng assistance sa mga mamamayan.
Nagpaalala rin sya sa mga barangay na ang mag food packs na galing sa kanila ay hindi na dapat i-repack pa dahil bawal ito.
Kung meron daw anya na alam ang mga tao sa barangay na merong nangyayaring ganyan ay agad na mag report sa kanila pero dapat may katibayan para mabigyan ito aksyon.
Samantala, pagkatapos ng kanilang ginagawang pagbibigay ng food assistance ay isusunod na rin nila ang amelioration program.
#TatakRMN #RMNDYKRKalibo #COVID19
(c) Vibrant Kalibo
LGU-Kalibo natapos na ang pagbalot sa 12,000 food packs para sa 16 na barangay
Facebook Comments