Ito ay batay sa Commission on Population Region 2.
Ayon sa pahayag ng POPCOM, nakapagtala ng 33 teenage pregnancies ang Luna noong taong 2021.
Dahil dito, nagpalabas ng Executive Order No. 141, kung saan inaatasan ang LGUs na alamin ang dahilan ng kaso ng maagang pagbubuntis.
Kaya naman, ang LGU planning team ay tumukoy ng interbensyon upang matugunan ang kaso ng teenage pregnancy at iba pang mga isyu.
Hinihintay na lamang ng team ang paglalabas ng Sangguniang Bayan resolution na nagpapahintulot sa Alkalde na pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa POPCOM-Region II.
Samantala, magkakaloob naman ng mahigit P200,000 ang ahensya sa pagpapatupad ng POPDEV interventions na magiging wasto sa loob ng isang (1) taon kapag malagdaan na ang Memorandum of Agreement.
Suporta naman ni Luna Mayor Adrian Leandro P. Tio ang Philippine Population and Development Program.
Matatandaan na bumaba ng population growth rate ng Luna na nagsimula sa 4.74 noong 1960 hanggang sa 1.45 noong 2020