Police Corporal at 2 iba pa, Arestado sa Paggamit umano ng Ilegal na Droga sa Tuguegarao City

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng mga awtoridad ang kapwa nila pulis na itinuturing na High Value Target-Government Employee at dalawang iba pa matapos ang kinasang drug buy-bust operation pasado ala-1:15 ng hapon noong August 29, 2022 sa Zone 4, Agusan Extension, Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si PCpl. Gomer Dacnas, 30-anyos, binate at residente ng Purok 5, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Kabilang rin sa mga naaresto sina Jenwin Mencero, 30-anyos, binate,magsasaka at residente ng Brgy. Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga; at Joseph Ganab, 31-anyos, binate, magsasaka at residente ng Brgy. Calaocan, Rizal, Kalinga.

Nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 2, PDEA RO II Cagayan Provincial Office at PNP Tuguegarao City, kung saan nakumpiska ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang naglalaman ng shabu na tumitimbang ng limang (5) gramo at nagkakahalaga ng P34, 000, apat (4) units’ cellular phones, apat (4) pieces lighter, dalawang (2) piraso used rolled foil, isang (1) unit black Mitsubishi Estrada, at buy-bust money.

Inihahanda na ang kasong RA 9165 laban sa pulis at dalawang kasama nito na nasa pangangalaga ng mga awtoridad.

Facebook Comments