Cauayan City, Isabela- Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng tulong ng LGU Nagtipunan, Quirino sa mga Covid-19 patients at kanilang mga pamilya, gayundin sa ilang residente na apektado ng mahigpit na quarantine protocol bunsod ng mga COVID-19 cases sa kanilang lugar.
Kabilang sa mga ipinamahaging ayuda ay food packs mula sa LGU Nagtipunan at DSWD Region 2.
Bukod sa mga ayuda, namahagi rin ang DSWD Region 2 ng mga hygiene kit.
Nagbigay din ang LGU Nagtipunan ng mga gulay gaya ng kamatis at sitaw na mula naman sa community garden.
Samantala, batay sa pinakahuling datos mula sa RHU Nagtipunan, mayroon ng 128 na naitalang total confirmed cases sa nasabing bayan kung saan 30 ang natitirang aktibong kaso; 97 ang kabuuang bilang ng gumaling at isa ang naitalang namatay.