LGU NUMANCIA SINUSPENDE ANG ROLLING STORES SA MGA BARANGAY DAHIL SA NATANGGAP NA MGA REKLAMO

Kalibo, Aklan — Sa pamamagitan ng pag amyenda sa ilang provisions sa Executive Order No. 35 ni Numancia Mayor Jeserel Templonuevo, sinuspende na ngayong araw ang operasyon ng rolling stores sa lahat ng barangay sa naturang bayan.
Una nang ipinatupad ang rolling stores nong March 30, 2020 para mag supply ng mga pangunahing pangangailangan kada barangay sa ilalim ng Sec. 2.4 ng memorandum.
Inaatasan naman ang mga barangay na mag organisa ng transport system para maghatid ng mga pasahero na mamimili sa mga rolling stores.
Ngunit dahil sa ilang reklamong natanggap ng LGU sinuspende ito ngayong araw sa halip bukas naman ang Numancia Public Market ( 5:00am- 3:00pm Mondays to Fridays, 5:00-2:00pm Saturdays) sa araw naman ng linggo ay sarado ito para sa pag disinfect.
Samantala inabisuhan naman ang mga mamimili na sumunod sa market schedule ng barangay kung anong araw pwedeng mamimili.
Mahigpit paring ipapatupad ang social distancing at pag require ng quarantine pass kasama ang isang valid ID habang para sa mga tricycle naman na maghahatid sa mga mamimili ay limitado sa dalawang pasahero lamang.
Ito ay alinsunod parin sa Enhance Community Quarantine na ipinapatupad sa probinsiya dala ng sakit na Covid-19
#TatakRMN #DYKRkalibo

Facebook Comments