LGUs, hindi na magpapalabas ng bagong quarantine pass sa NCR

Hindi na maglalabas ang Local Government Units (LGUs) ng bagong quarantine pass para sa dalawang linggong pagsasailalim sa Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine sa Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ang gagawin na lamang ng LGUs ay maglalabas ng instruction kung ano ang ginawa noong unang nagpatupad ng ECQ sa Metro Manila.

Nilinaw naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Jonathan Malaya na maaari pa ring gamitin ang lumang ID na inisyu ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpasok sa trabaho sa Metro Manila.


Maaari naman aniyang gamitin ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang kanilang ID para sa checkpoint.

Facebook Comments