Isinusulong ang isang programa na naglalayong magbigay ng libreng medical support devices para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na walang sapat na kakayahang pinansyal upang makabili ng mga kagamitang medikal na mahalaga sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Layunin ng programang ito na makatulong sa rehabilitasyon, paggalaw, at pangkalahatang kalusugan ng mga pasyenteng may espesyal na pangangailangan.
Saklaw ng Programa ang Artificial Leg (Below-the-Knee / Above-the-Knee); at Spinal Braces (Milwaukee Brace / Chair Back Brace).
Sa pamamagitan ng mga suportang ito, inaasahang mabibigyan ng mas maayos na pagkilos at mas mataas na kalidad ng buhay ang mga benepisyaryong nangangailangan ng tulong medikal.
Para sa mga nagnanais mag-avail ng benepisyo, hinihikayat ang publiko na magtungo sa Congressional District Office, Brgy. Magsaysay, Alaminos City upang makakuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa mga kwalipikasyon, kinakailangang dokumento, at tamang proseso ng pag-aaplay.
Ang programang ito ay patunay ng patuloy na malasakit at serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng suportang medikal.
##









