Libreng tuli ng BSOP at RMN sa Koronadal ikinatuwa ng mga magulang

Lubos ang pasasalamat ng mga magulang sa halos isang daang mga kabataan sa isinagawang “Operation Tuli 2018” sa pangunguna ng Beta Sigma Omega Phi (BSOP) 1968 Fraternity and Sorority South Cotabato Chapter at Tacurong Chapter sa Barangay Gymnasium ng Barangay Carpenter Hill, lungsod ng Koronadal sa tulong na rin ng RMN Koronadal
Ayon kay Roldan A. Better, Presidente ng nasabing organisasyon hangad nila na makatulong sa kumunidad ngayong summer vacation hindi lamang sa mga kabataan bagkus sa lahat ng nangangailangan.
Nakaraang taon sa Lungod ng Tacurong din umano isinagawa ang nasabing programa dahil bahagi ito ng kanilang adbokasiya na “Because we live to serve”
Todo pasalamat din si Barangay Kapitan Benedicto Pastera ng nasabing Barangay dahil maraming natulungan sa kanyang nasasakupan at gusto rin nitong maulit ang nasabing Programa.
Laking tulong din ang kasapi ng BSOP na si Julius Legaspi, Nursing Director ng Manahan Clinic and Hospital Buluan at kanyang mga kasama na nanguna sa nasabing programa.
Nagtapos ang nasabing programa dala ang tuwa at saya ng buong organisasyon dahil sa tagumpay na dala



Facebook Comments