Isinagawa ang libreng vision screening para sa mga mag-aaral ng Baluyot National High School at Bautista National High School sa bayan ng Bautista bilang bahagi ng programang “Sight for Kids.”
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng aktibidad na matukoy ang mga mag-aaral na may posibleng problema sa paningin na maaaring makaapekto sa kanilang pagkatuto at pang-araw-araw na gawain.
Saklaw ng isinagawang pagsusuri ang paunang pagsusuri sa visual acuity ng mga estudyante.
Ang mga mag-aaral na nakitaan ng posibleng suliranin sa paningin ay pinayuhang sumailalim sa karagdagang konsultasyon at nararapat na interbensyong medikal.
Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at isang civic organization, katuwang ang mga guro at opisyal ng paaralan upang matiyak ang maayos na daloy ng aktibidad.










