LIBRENG WIFI, INILUNSAD SA MAPANDAN

Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology ang Libreng Wifi sa bayan ng Mapandan bilang bahagi ng adbokasiyang magkaroon ng mabilis na access ang publiko sa internet na makatutulong sa pag-aaral at pamumuhay.

Naikabit na sa paligid ng MDRRMO Command Center ngunit hindi pa na-activate.

Para makaconnect sa libreng wifi, hanapin lamang sa wifi settings ng gagamiting device ang ‘DICT Free Wifi 4all’ at tiyaking sang-ayon sa itinakdang terms and conditions upang makagamit ng internet service.

Samantala nitong Nobyembre, inilunsad ng pambansang pamahalaan ang Bayanihan SIM Project na naglalayong palawigin pa ang libreng wifi sa buong bansa.

Facebook Comments