
Nagpa-abot ng mensahe ng pakikidalamhati at pakikiisa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Myanmar at Thailand na tinamaan ng magnitude 7.7 lindol kung saan libo-libo ang kabuuang bilang na mga nasawi at malaki ang tinamong pinsala.
Bunsod nito ay nanawagan ng tulong sa international community si Romualdez para sa Myanmar at Thailand dahil sa malakas na lindol at nangangailangan ng kolektibong tugon ng buong mundo.
Diin ni Romualdez, mahalaga ang pangrehiyong kooperasyon sa panahon ng mga malakihang kalamidad.
Kinilala naman ni Speaker Romualdez ang mabilis na pagkilos ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Myanmar at Thailand habang inihahanda rin ang tulong sa mga apektadong komunidad.