Lifetime validity of birth, death at marriage certificates, malaking tulong sa mamamayan

Inaprubahan ng Senado sa third and final reading ang panukala para sa lifetime validity ng birth, death at marriage certificates.

Ayon kay Senator Ramon Bong Revilla Jr., na siyang sponsor ng panukala, ang permanenteng bisa ng nabanggit na mga mahalagang mga dokumento ay malaking tulong ito sa mamamayan dahil bawas gastos at abala.

Paliwanag ni Revilla, dahil dito ay hindi na kakailanganin pa ang paulit-ulit na pagkuha ng birth, death at marriage certificates na madalas kailangan sa mga transaksyon sa gobyerno at sa pribadong sektor.


Sinumang lalabag dito ay mapaparusahan ng isa hanggang anim na buwang pagkakulong at multa na mula P5,000 hanggang P10,000.

Kapag ang lumabag ay opisyal o empleyado ng gobyerno ay pansamantala silang madidiskwalipika sa anumang pwesto o trabaho sa pamahalaan.

Facebook Comments