
Ngayong dagsa na ang mga pasahero sa iba’t ibang terminal upang makaiwi sa kanilang probinsya, nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator na tiyakin ang ligtas na biyahe ngayong Semana Santa.
Paalala ng ahensya, iwasan ang overloading at sundin ang tamang kapasidad ng sasakyan.
Siguraduhin ding maayos ang kondisyon nito bago bumiyahe gamit ang BLOWBAGETS checklist.
Pinapayuhan ang mga driver na maging magalang sa pasahero at sumunod sa traffic rules at speed limits.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho alinsunod sa Anti-Distracted Driving Act.
Binigyang-diin ng LTFRB na sa panahong ito ng paglalakbay, mahalaga ang disiplina at pag-iingat para sa ligtas na biyahe.










