Laguna – Nailigtas ng mga mga tauhan ng pnp anti kidnapping group ang isang chinese national na kinidnap ng isang sindikato at itinago sa Cabuyao, Laguna.
Habang arestado naman ang mga suspek na dumukot sa dayuhan.
Sa report ng PNP AKG nakakuha sila ng ulat mula Chinese embassy kaugnay sa insidente kaya agad na ikinasa rescue operation.
Sa operasyon natunton ng anti kidnapping group ang safehouse ng mga suspek sa Cabuyao, Laguna.
Naaktuhan ng mga operatiba at inaresto ang apat na Chinese national at isang Pinoy na miyembro umano ng loanshark syndicate na dumukot sa chinese national na may utang sa kanila sa casino.
Dinukot ang biktima nitong nakalipas na August 10 na kinilalang si Yuxiang.
Kinuhaan umano ng mga suspek ng torture video ang biktima na ipinanakot sa mga kaanak ng biktima sa China para magbigay ng ransom.
Napilitang magbigay ang pamilya ng biktima mula sa China ng 280,000 sa mga kidnapper para sa kalayaan nito.
Pero sa halip palayain , humirit pa umano muli ng 50,000 ang mga kidnapper.
Dahil ditto, humingi na ang mga kaanak ng biktima sa Foreign Ministry of China na nakipag-uganayan naman sa Chinese embassy sa Pilipinas.
Nagsagawa ng pay-off kagabi at ginamit na itong pagkakataon para malambat ang apat na Chinese national kasama ang isang Pinoy na nagsilbing driver nang dukutin ang biktima.
Batay sa ulat ng AKG, modus ng sindikato na tiktikan ang mga natatalong big time casino player na Chinese National, lalapitan at pauutangin ng pangsugal.
Pero sakaling hindi makabayad ay dudukutin nila ang kliyente at ipapatubos sa mga kaanak nito sa China.
Sa ngayon inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.