Lima, arestado dahil sa pagbebenta ng valium sa Biñan, Laguna

Manila, Philippines – Arestado ng Laguna Provincial Intelligence Branch at Biñan police ang limang suspek sa Brgy. San Antoñio Biñan, Laguna dahil sa pagbebenta ng droga na valium.

Ayon kay Biñan Police Chief, Sr/Supt. Elpidio Ramirez – dahil sa pinaigting na kompanya laban sa droga, lumipat sa ibang droga ang mga kawatan.

Ang nakababahala ay karamihan sa parokyano nila ay menor de- edad at estudyante pa lamang.


Ayon sa isang suspek na si Kevin Kagayutan ay parang bago lang daw ang nabilhan nya noon kaya hindi nahalata na peke yung reseta.

At para naman kay John Mark Calleja ay nakakatulong ang valium para makatulog.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.

DZXL558

Facebook Comments