Matandang manghihilot, dinukot ang mata sa Cebu City

Manila, Philippines – Dinukot ang mata ng isang manghihilot matapos tanggihan ang kapitbahay na hilutin sa Brgy. Sawang Calero, Cebu City.

Nagawa ito umano ng suspek na si Manuel Sumalpong, dahil sa pagtangging paghilot sa kanya ng biktimang si Lola Faustina, 79-anyos.

Natagpuan sa loob ng sariling bahay ang kanang mata ng lola na dinukot samantalang ang kaliwa naman ay nadukot din pero nakakabit pa ng bahagya.


Sa follow up operation, naaresto ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong serious physical injury.
DZXL558

Facebook Comments