May local government units pa sa MAGUINDANAO na humahabol sa balik-baril program upang maiprisenta kay Pang. Rodrigo Duterte ngayong araw sa pormal na paglulunsad ng naturang programa sa bayan ng Buluan.
Sinabi niJTF Central spokesman at 6th ID CMO Chief Lt. Col. Gerry Besana, kahapon ay ang mga bayan Talayan,Datu Anggal, Guindulungan, Datu Saudi at Pandag ang humabol, samantalang ngayong umaga ay posibleng may LGUs pa na hahabol.
Bunsod nito, wala pang eksaktong bilang ng LFAs ang ipripresenta mamaya kay Pang, Duterte.
Ayon pa kay Lt. Col. Besana, patuloy din ang kanilang pag-embentaryo sa mga baril na isinuko.
Magtatagal hanggang sa buwan ng Hunyo ang balik-baril program ng gobyerno.
Sinabi ni 6th ID CMO Chief Lt. Col. Gerry Besana, paglagpas ng naturang buwan ay paiigtingin na ng kapulisan at ng militar ang isasagang zoning o yaong pagbabahay-bahay sa mga kabarangayan para hikayatin ang mga gun owner ng mga LFAs na isuko na ang kanilang mga baril.
Lima pang bayan sa Maguindanao nagbalik baril ayon sa spokesman ng JTF Central
Facebook Comments