Limang bagong foreign language courses ng TESDA, magiging available na sa Setyembre

Ibinahagi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magiging available na sa Setyembre ang lima pang foreign language courses para sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay TESDA Deputy Director General for Operations John Bertiz, magiging fully operational na ang idinagdag na foreign language courses na kinabibilangan ng Italian, French, Mandarin, Arabic at Korean.

Layon ng programang ito na suportahan ang mataas na demand sa Filipino skilled workers sa larangan ng turismo, agrikultura at health care.


Sa ngayon, narito pa lamang ang mga programa na nasa ilalim ng National Language Skills Center:

– English Proficiency for Customer Service Workers
– Japanese Language and Culture
– Japanese Language and Culture Level II
– Spanish Language for Different Vocations

Facebook Comments