59 pulis ng Makati, ililipat sa Taguig kaugnay ng isyu sa teritoryo

59 pulis mula sa Makati ang ililipat sa supervision ng Taguig kaugnay ng usapin sa teritoryo ng dalawang lungsod.

Ayon sa Southern Police District, ang mga lilipat na pulis ay mula sa Substations 8 at 9 ng Makati.

Dalawang barangay rin na nasa ilalim ng Substation 7 ang malilipat naman sa Substation 8.


Inanunsyon din ng SPS na mga gamit na donated ng Makati government gaya ng police mobile at mga baril ay ibabalik sa lungsod.

Magbibigay naman ng gamit ang SPD at Metro Manila police kung sakaling kulangin ang Taguig sa turnover.

Tiniyak din ng SPD na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng pulisya at seguridad sa dalawang lungsod, lalo sa pagbubukas ng klase at sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Facebook Comments