Limang Dapat Mong Iwasan sa Isang Relasyon

1. Madalas na pag-aaway – sa isang relasyon, normal lang na magkaroon kayo ng tampuhan o pag-aaway pero wag niyong hahayaang matapos ang araw na hindi niyo napapag-usapan kung ano man ang problemang meron kayo. Hindi na mahalaga kung sino ang may kasalanan sa inyong dalawa, ang mahalaga sa huli nagkakaintindihan kayo.
2. Mis communication – hindi dapat pwedeng mawala sa inyo ang komunikasyon dahil sobrang mahalaga ito. Kung busy ka, sabihin mo kaagad sa kanya hindi yung magsisinungaling ka pa.
3. Huwag gumawa ng kalokohan – Kung gusto niyong hindi mawala ang tiwala ninyo sa isa’t-isa, huwag na huwag gumawa ng kalokohan. Paano ka pagkakatiwalaan kung hindi ka naman tapat sa partner mo? Kapag may ka relasyon na siya lang dapat wala ng iba. Kailangan niyong maging tapat para walang praningan moments na mangyari.Wag mag tago ng sekreto sa iyong ka-relasyon na pag sisimulan ng malawakang hiwalayan.
4. Huwag mo siyang baguhin – Tanggapin mo kung anu siya at kung ganyan siya at kung paano mo siya unang nakilala dahil doon mapag titibay ang pag sasamahan ninyong dalawa.
5. Pagiging Selosa/Seloso – huwag kang magselos kung hindi mo pa alam ang totoong dahilan. Huwaf sugod ng sugod, alamin mo muna ang nangyari bago kayo gumawa ng aksyon.

Manila

Facebook Comments