Limang Japanese crew members, nirescue ng PCG matapos tumagilid ang sinasakyang barko sa Oriental Mindoro

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang Japanese crew members na sakay ng fishing vessel na MV Catriona sa Calapan, Oriental Mindoro.

Batay sa report ng PCG, patungo sana ng Davao mula Japan ang fishing vessel nang mabutas ang bahagi nito.

 

Agad namang pinadala ng PCG ang kanilang BRP Habagat sakay ang kanilang rescuers upang iligtas ang limang Japanese crew members.


Kinilala ang mga ito na sina Itsuo Tamura, 86 years old, Hiromu Nishida, 83 years old, Hamagato Tsukasa, 80 years old, Osamu Kawakami, 74 years old at Hata Isamu, 74 years old.

Agad na isinailalim sa medical check-up ang crew members at pawang nasa maayos na kalagayan.

Facebook Comments