Manila, Philippines – Ipinaaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga passport applicant na mag-a-avail ng courtesy lane privileges tulad ng mga overseas worker, senior citizen, persons with disabilities, minors at solo parents, na ang consular offices sa buong bansa, na sila ay i-accommodate during office hours.
Gayunpaman, ang consular offices ay maaaring magtakda ng cut-off time o limitahan ang bilang ng mga aplikante na maaaring matanggap sa courtesy lanes depende sa espasyo at kapasidad ng bawat consular offices at ang pangangailangan upang matiyak ang kaligtasan at convenience ng pampubliko.
Ayon pa sa DFA, maaari din higpitan ang pag-access sa courtesy lane, kapag o pagkatapos ng emergency tulad ng mga bagyo, lindol at suspension ng government operation.
Ito ay upang bigyan daan o pahintulutan ang mga consular offices na i-accommodate o maglingkod sa mga aplikante na ang mga online appointment ay apektado ng emergency.