
Matagumpay na naisagawa ng Philippine Army ang simulated enemy attack sa ginanap na Littoral Defense Live Fire Exercise sa Burgos, Pangasinan nitong March 9.
Ginamit ng 701st Combine Arms Brigade ang armor nito at artillery assets kagaya ng Remote Control Weapons Systems (RCWS) sa Armored Infantry Fighting Vehicles at 105mm towed howitzers.
Samantala, ang mga reservist naman ay nag-deploy ng mga combat drones.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng 3rd iteration ng CATEX Katihan 03-2026 na sumusubok sa Land Defense Concept ng Army bilang suporta sa External Security Operations.
Kaugnay nito, aabot naman sa 4,222 na sundalo ang kasalukuyang lumalahok sa unilateral exercise sa iba’t ibang training areas sa Pangasinan at Ilocos Norte.
Samantala, nagbigay ng direktiba si Army Chief Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete na higit pang paigtingin ang pagsasanay upang matugunan ang nagbabagong hamon sa seguridad sa rehiyon at buong mundo kasabay ito ng kanyang personal na pagkakasaksi sa nasabing ginanap na live fire drill.










