Aprubado na ng City School Board ang panukalang dagdag na 27 public schools na sasailalim sa expanded implementation of limited face-to-face classes sa Alaminos City.
Kasabay ng pag apruba ng 100% na ng mga paaralan sa elementarya at sekondarya sa Division of Alaminos ang magpapatupad ng face-to-face na pagtuturo simula ngayong buwan, na kauna-unahan sa buong probinsya ng Pangasinan, ito ay ayon kay City Schools Division Superintendent Dr. Lorna G. Bugayong.
Pinasalamatan at pinuri ni City School Board Chairman at alkalde ang division, school at barangay officials sa kanilang commitment at buong suporta sa pagpapatupad ng progressive face-to-face classes sa lungsod.
Ikinatuwa din ng Punong Lungsod na karamihan sa mga pampublikong paaralan ay nakatanggap na nang Safety Seal Certification at maraming mag-aaral na ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccines.
Samantala, mangungunang mag-monitor ang DepEd Alaminos City Division at ng pamahalaang lungsod ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa karagdagang 27 pampublikong paaralan upang masiguro na maayos ang kalagayan ng mga mag-aaral at mga guro sa kabila ng pandemya. | ifmnews