Ngayong Enero, ginugunita ng Department of Health – Ilocos Region ang Liver Cancer and Viral Hepatitis Prevention Month.
Layunin ng selebrasyon na paalalahanan ang publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa atay at pagpigil sa mga sakit na maaaring makaapekto rito.
Ayon sa DOH, kabilang sa mga hakbang upang mapanatiling malusog ang atay ang pagbabakuna laban sa Hepatitis B, pag-iwas sa paggamit ng kontaminadong karayom at labis na pag-inom ng alak, pagpapanatili ng balanseng pagkain at regular na ehersisyo, at regular na pagpapasuri sa kalusugan.
Binibigyang-diin ng ahensya ang maagang pagkilos para sa kalusugan upang mabawasan ang panganib ng liver cancer at viral hepatitis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










