Umarangakada na ang unang araw ng local absentee voting sa bansa para sa mga kawani ng PNP, AFP at Media.
Kanina, maagang nagbukas ang local absentee voting sa Comelec NCR sa Intramuros, Maynila.
Isinagawa ang botohan sa ikalawang palapag ng Femni Building sa Intramuros.
Ayon kay Jose Burgos Election Assistant 2 ng Comelec at tumatayong Chairman para sa absentee voting ng media , comelec employees at partylist sa NCR..tatagal ang local absentee voting hanggang sa Mayo a uno.
Aniya, kahit na holiday sa Miyerkules ay tuloy ang local absentee voting
Nagsimula ang local absentee voting kaninang alas otso ng umaga hanggang kaninang hapon.
Facebook Comments