Mga residente mula Marawi City na dumating sa Misamis Oriental, isinailalim na sa Bio-Profiling

Misamis Oriental, Philippines – Isinailalim na sa bio-profiling ang mga residente mula Marawi City na dumating sa Barangay Barra, Opol, Misamis Oriental.

Ito ang kinumpirma ni Police Senior Inspector Randy Anito, ang Hepe ng Opol Municipal Police Station.

Nakiusap din si Senior Inspector Anito sa publiko na hindi basta basta magbigay ng report na walang beripikasyon, gaya na lamang ng lumabas na report na may tatlong miyembro ng Maute na nakapasok sa lugar.


Dagdag pa ni Anito na maging responsable sana sa impormasyon ang mga residente, upang hindi ito pagmumulan ng takot.
DZXL558

Facebook Comments