Cauayan City, Isabela- Posibleng makulong ng habang buhay ang 65-anyos na lolo matapos itong maaresto sa kasong rape o panggagahasa sa Provincial Capitol, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provinvial Office (NVPPO) ang akusado ay nakilalang si Jose Buahon, 65-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Tukod, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon.Paul R Attolba Jr, Presiding Judge ng RTC Br. 30 sa kasong Rape and Acts of Lasciviousness kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng Kasibu Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.