iFM Laoag – Naihatid na sa huling hantungan ang pangatlong biktima ng COVID-19 na namatay sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ito ay si IN-C235, isang lolo na residente ng Bayan ng Sarrat sa nasabing lalawigan. Siya ay 92 taong gulang at nadiagnosed kamakailan sa sakit na Acute Coronary Disease at nagpositibo sa COVID-19.
Binawian ng buhay ang matanda habang ito ay ginagamot sa Intensive Care Unit (ICU) ng Mariano Marcos Memorial Hospital dito kaninang ala una ng madaling araw.
Ayun kay Sarrat Mayor Remigio Medrano, pusposan ang paalala ng local na pamahalaan sa paghikayat sa iba pang mga primary contacts na nadiskubre sa nasabing lugar.
Sa ngayon, umabot na sa dalawang-daan ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan na isa sa may pinakamataas na bilang sa Region 1. — Bernard Ver, RMN News