LONG TERM SOLUTION | Mga proyekto para sa decongestion ng NAIA, tinatrabaho na – Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na mayroong mga ginagawang hakbang ang pamahalaan o long term solution sa problema sa congestion sa mga airports sa bansa partukular ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang sinabi ni Go matapos aminin na isang eye opener ang nangyaring matinding aberya sa NAIA matapos sumadsad ang isang eroplano ng Xiamen Airlines.

Sinabi ni Go na marami nang proyektong nakapila para masolusyunan ang problema tulad ng pagpapaganda o expansion ng Clark International Airport at pagtatayo ng mga bagong airport sa Bulacan at sa Cavite.


Mayroon din aniyang 350 billion pesos na expansion project para sa NAIA magpapaganda pang serbisyo nito.

Ang mga proyektong ito aniya ay magbibigay ng ginhawa sa mga pasahero dahil madodoble ang kapasidad ng Clark airport habang target naman ng itatayong airport sa Bulacan na makapag -ccommodate ng 100 milyong pasahero kada taon sa oras na ito ay maitayo.

Binigyang diin ni Go na sa pamamagitan ng mga airports sa labas ng Metro Manila ay mas mababawasan pa ang congestion sa NAIA.
Humingi din naman ng paumanhin si Go para sa CAAP at ng DOTr at nagpasalamat din ito na walang malubhang nasaktan sa insidente.

Facebook Comments