Labis na namangha ang ilang residente sa mga namataang sea otter na napadpad sa baybayin ng Taganak Island, na sakop ng Turtle Islands sa Tawi-Tawi.
Ito raw kasi ang unang beses na nakita nila ang fur marine mammal sa tanang buhay nila.
Ayon kay Abdulmukim Maruji, hepe ng District 1 Community Environment and Natural Resources (CENRO), naitala ang pagbisita ng mga sea otter mula noong Mayo 15 hanggang 20 nang kasalukuyang taon.
“So far, we don’t have a record of this species in the Philippines, this is the first time we saw such kind in the country,” anang Maruji.
Ang nasabing uri ng hayop ay madalas matagpuan sa Sarawak, Malaysia.
“They (sea otters) might be drifted in the island, they might also be exploring for new habitat because they were disturbed, or looking for food,” paliwanag pa ng opisyal.
Nakikipag-ugnayan ngayon ang CENRO sa Turtle Islands’ Protected Area Supervisor Office
at iba pang ahensiya upang matiyak ang kaligtasan ng mga sea otter habang nasa Tawi-Tawi.