
Pormal nang inilunsad kaninang umaga sa Cebu ang Love Bus na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero lalo na sa mga rush hour sa Cebu.
11 bus at modern jeepney ang kinontrata ng Department of Transportation upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero na sasakay sa mga ruta na dadaanan nito mula sa South Road Property sa Cebu City patungong Talisay at Anjo World sa Minglanilla at vice versa.
Pinamunuan nina DOTr Secretary Vince Dizon at Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang launching kaninang umaga sa SM Seaside City sa SRP.
Ayon kay Secretary Dizon, ang Love Bus “Libreng Sakay” Program ng DOTr ay makatutulong sa mga komyuter, lalo na sa mga estudyante, sa kanilang mga pamasahe araw-araw.
Ang mga oras ng biyahe ng Love Bus na may tatak na, “Gugma Cebu” (Love Cebu), ay mula 6:00 AM hanggang 9:00 AM, at sa hapon naman ay mula 5:00 PM hanggang 8:00 PM.









