Low-income Families na kabilang sa ‘Granular Lockdown’, Tatanggap ng Cash Assistance

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 na tanging mga low-income families lang ang mabibigyan ng ayuda sa tinatawag na ‘granular lockdown’ sa ilalim ng Bayanihan 2.

Ayon kay Regional Information Officer Brendan Tangan, kinakailangan na masuri muna ang mga pamilyang ito na kabilang sa ‘critical zone’ upang maisama sa listahan ng maaayudahan ng Bayanihan 2.

Aniya, tatanggap pa rin ng ayuda ang mga waitlisted families na karapat-dapat sa tulong pinansyal subalit hindi napasama noong unang pamamahagi ng nasabing ayuda ng pamahalaan.


Dagdag pa ni Tangan, makatatanggap pa rin ng halagang P5,500 ang mga low-income affected families na ikakategorya ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF).

Nagsimula na rin na hingan ng mga listahan ang mga Municipal/City Social Welfare Office para sa paunang hakbang ng ahensya.

Sa ngayon ay hinihintay na lang ng ahensya ang pagbaba ng pondo mula sa central office upang maumpisahan na ang pamamahagi ng tulong pinansyal.

Facebook Comments