LTFRB chairman, nakiisa sa mga transport group na tutol sa suspensyon ng PUV Modernization Program

Nakibahagi si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa isinagawag programa ng mga transport group na nagkasa ng unity walk bilang pagtutol sa desisyon na suspindihin ang PUV Modernization Program.

Sa pahayag ni Guadiz, tuloy ang ikinakasang modernisasyon ng mga pampasaherong jeep kung saan hindi magpapatinag ang LTFRB sa nasabi nang plano.

Iginiit pa ni Guadiz na walang resolusyon ang makakapigil sa PUV Modernization Program.


Nanawagan rin siya sa pagbasura sa resolusyon ng Senado na nagnanais suspidihin ang implementasyon ng naturang programa.

Sinabi pa ng opisyal ng LTFRB na marami ng sakripisyo ang kanilang tanggapan gayundin ang mga operators at tsuper ng jeep para sa ikakaganda ng programa kung kaya’t hindi na dapat itong itigil pa.

Facebook Comments