LTFRB, sinuspinde ang operasyon ng mga bus na gumagamit ng Ro-Ro

Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus operators na nasa ilalim ngayon signal number 1 dahil sa bagyong Usman na huwag na munang mag-dispatch ng kanilang units sa kanilang mga otorisadong ruta.

Tugon ito ng ahensya sa paghinto ng ilang pantalan sa paghahakot ng mga bus na gumagamit ng roll-on, roll-off o Ro-Ro routes dahil sa sama ng panahon.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, layunin nito na matiyak ang kaligtasan at hindi na maabala pa ang mga pasahero na posibleng maipit sa mga pantalan.


Una nang nagsupindi ng Ro-Ro operation ang Port ng Calapan, Oriental Mindoro sanhi upang mantala ang biyahe ng mga pasahero sa Araneta Bus Terminal na gustong humabol sa selebrasyon ng Bagong Taon sa mga probinsiya.

Facebook Comments