LTO, magkakasa ng One-Time, Big-Time Operation laban sa mga motoristang lumalabag sa batas trapiko

Magsasagawa ngayong araw ang Land Transportation Office (LTO) ng “One-Time, Big-Time” Operation laban sa mga pasaway sa motorista o yung mga palaging lumalabag sa batas trapiko.

Tugon ito ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cabinet Meeting noong November 4 na istriktong ipatupad ang mga batas-trapiko sa bansa.

Ayon sa LTO, layunin nito na maiwasan ang pagdami ng aksidente sa kalsada.


Humingi ng tulong ang lto sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para operasyon sa iba pang parte ng bansa.

Katuwang din ng lto dito ang PNP-Highway Patrol Group, DPWH, MMDA, Law Enforcement Service ng NLEX at SLEX.

Facebook Comments