Agarang inaksyunan ng pamahalaang barangay ng Bonuan Binloc ang reklamo ng mga residente kaugnay ng lubak at maputik na bahagi ng kalsada sa Purok Russia/Pontoc, kasabay ng pagsisimula ng tag-ulan.
Maagang nagtungo sa lugar ang Punong Barangay kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay at mga tanod upang magsagawa ng pansamantalang pagsasaayos sa kalsada.
Sa ibinahaging larawan ng barangay, nilagyan ng buhangin at graba ang mga lubak na bahagi ng kalsada upang mapadali at maging mas ligtas ang pagdaan ng mga residente at mga sasakyan.
Ang mga materyales ay kinuha pa mula sa bayan ng San Fabian.
Agarang aksyon umano ito upang mainsan ang problema ng mga motorista at residente sa nasabing kalsada, lalo na sa panahon ng tag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










